Sa ating buhay, hinding-hindi maiiwasan na hindi tayo maglalakbay. Kahit hindi man tayo pisikal na umaalis at pumupunta sa iba't-ibang lugar, ang simpleng paghinga at paggising araw-araw ay uri na ng paglalakbay hindi sa aktual na lugar, kung hindi, sa ating buhay.
Ang Mall of Asia ay isa sa pinakamalaking pamilihan sa buong Asya (nababatay rin naman ito sa pangalan niya). Dito makikitang namamasyal ang mga magkakapamilya, gumagala ang mga makakaibigan, nagpupulong pulong ang mga negosyante at naglalaro ang mga aso't pusa. Kung saan-saan nanggaling ang mga taong ito na pumupunta sa MOA; karamihan ay mga lokal na mamamyan ngunit nagsisipunta rin ang mga dayuhan. At kung ano-ano rin ang pamamaraan ng paglakbay papunta sa MOA at pamamasyal mismo sa loob ng gusali.
 |
Ang pinaktanyag na disenyo sa MOA ay ang malaking globo na nakalagay sa circle ng Jose Diokno Drive. Angat ito sa iba dahil nagiisa lang siya sa buong Pilipinas. Mapapansin agad ang hugis ng Pilipinas sa globo; malamang ay dapat nila itong iemphasize dahil iyan ang bansang kinatatayuan ng Mall of Asia. Araw-araw, maraming nagdadaragsahang sasakyan sa Jose Diokno Drive para marakarating sa MOA. Kung minsan pa nga ay trapik lalo na kapag may sale. Ngunit dahil weekday ito at wala namang event sa MOA, hindi ganoon karami ang mga kotseng dumadaan dito. |
 |
Kung walang sariling sasakyan, ang pinakatipikal na sinasakyan papuntang MOA ay ang kulay berde (o kaya'y kulay asul) na dyip. P8.00 lang ang pamasahe papuntang MOA para sa mga estudyante kapag galing ka sa Buendia; murang-mura lang ito kung ikukumpara sa mga taxi o bus at mas mabilis ka pang makakarating sa MOA dahil bukod sa malawak ang kalsada hindi masyadong marami ang mga sasakyang dumadaan sa rutang ginagamit ng dyip. |
 |
Sa loob ng gusali iba't-ibang pamamaraan ng paglalakbay ang makikita. May ilan mga stroller na makikitang ginagamit ng mga pamilyang namamasyal na may dalang mga sanggol at mga batang hindi pa gaanong marunong maglakad. Napapadali rin ang buhay ng kanilang mga magulang dahil hindi na nila kailangang habulin ang malilikot nilang mga anak o kaya'y buhatin ang mga sanggol. Dual-purpose pa nga ang stroller dahil hindi lamang ito para sa mga bata, pati na rin mga grocery o iba pang mga gamit ay nilalagay o sinasabit dito. |
 |
Madalas makikitang naglilibot ang kotseng ito na minamaneho ng empleyado ng MOA. Ano ba ang purpose nito na kinailangan pang maglagay ng maliit na sasakyan sa gusali? Dahil sobrang laki ng MOA, minsan mapapagod rin ang mga matatanda at buntis sa paglalakad. Kaya nandito ang sasakyang ito para mapadali ang paglakbay ng mga taong ito sa loob ng gusali. Dito rin mapapansin na lubhang malawak nga talaga ang MOA dahil kumasya ang sasakyang ito at kahit na nandyan na siya, maluwag pa rin ang mga dinadaanan ng mga tao. |
 |
May mga maliit na kotse rin para sa mga batang katulad nito. Tiyak na mage-enjoy ang bata dahil inaakala niyang nagmamaneho na siya ng tunay na kotse. Minsan, "bubusinahin" pa niya ang mga taong dumadaan gamit ng mahiwaga niyang busina na kung saan ang bata lang naman ang naglalagay ng tunog para dito. "Safety first!" kaya ayun, nakaseat-belt pa ang bata para hindi siya mahulog. |
 |
Hindi lang naman tao ang naglalakbay sa MOA kung hindi mga aso rin. Ang cute na asong ito ay ginagabayan pa ng amo niya. Siyempre, tulad ng mga tao, kailangan rin nilang maglakad-lakad para hindi lang sila laging nakakulong sa bahay. Sosyal pa ang aso dahil may damit pa siyang suot. Makikita na kung maglakad ang aso, isang paa sa harap at isang paa sa likod sa kabilang side naman ang ginagamit sa bawat hakbang. Ngunit pagkatapos ng ilang sandali, pinatigil ng guard ang aso dahil bawal na maglibot ang aso sa loob ng MOA kapag marami nang tao. |
 |
Nakakagulat rin dahil pati bisikleta ng bata ay pinapayagang makapasok sa loob ng MOA. Kinakailangan lang talagang mag-ingat ang bata dahil baka may mabunggo siyang tao. Mas hindi naman nakakapagod magbisikleta sa paglibot sa MOA kaysa sa maglakad dahil nakaupo ka lang rin. |
 |
Kahit ano pa mang paraan ng paglalakbay mo sa MOA o sa anomang lugar, ang paa pa rin ang pinaka-importanteng instrumento sa paglakbay; kahit saan man, mapunpuntahan mo ay gamit ang iyong mga paa. Kaya pinalabo ang litrato dahil ang sinisimbolo nito ay hindi malinaw ang destinasyon na patutunguhan ng buhay natin. Lahat tayo ay mga taong naglalakbay lamang sa mundong ito, naglalakbay sa oras, naglalakbay sa sari-sariling buhay; at kung ano man ang minimithi ng ating puso, doon tayo dadalhin ng ating mga paa. |
No comments:
Post a Comment